top of page

How can you still help in times like these

Updated: Jul 28, 2020



The worldly things that we once enjoyed before may not be the same again after this crisis. Take it to this moment that we live in fear and life’s uncertainty. An unforeseen deadly disease is affecting human lives with chances of taking lives and livelihood in just a snap.


But, despite these anxieties and fears, are we still thankful to God for another life and blessings given to us? Maybe this quarantine period makes us realize how can we share by all means the needed assistance or resources that we have:


Madami satin ang hindi capable sa pagbibigay ng mga agarang solusyon sa mga naapektuhan ng sakuna na ito ngunit narito ang ilang aming mamumungkahi upang makatulong pa rin tayo sa maliit na pamamaraan:


Share your heart and blessings


Marahil ikaw ay isang mag-aaral pa o di’ kaya wala pang sapat na kakayahan upang makapag-donate ng mga groceries. Pero, hindi ba mas nakakatuwa na bigyan natin nang effort ang simpleng pag-pack ng mga healthy sandwiches at drinks para sa mga nag-seserbisyo sa ating mga buhay 24/7. Sa maliit na pamamaraan, makikita natin na manunumbalik sa kanilang mga mata at pangangatawan. 


Kung isa ka naman sa mga mapapalad sa buhay at kaya mo ang makapagbigay nang tulong sa iyong napaghirapan na salapi. Maaari rin tayo tumulong sa pamamagitan nang pagbibigay sakanila ng kinakailangan nilang mga medical supplies at ibang mga pangangailangan sa pang-araw araw nilang mga gawain. Sa pamamagitan nito, nakikita natin ang pagkapwa-tao nang bawat isa sa ganitong mga panahon.



Fund-raising 

Isa din ito sa mga nauuso sa “social media” at ito ay sa pamamagitan nang paglikom ng mga donasyon galing sa fund-raising events sa pag-oorganize through social media. Maari tayo makisama at tumulong sa pag-organize nito lalo na nasa bahay lamang tayo. Ang ilan pa nga gumagawa ng mga paraan upang makalikom na sapat na salapi para sa max na 2 or 3 pamilya at sa malilikom nila ay para sa mga pagkain at iba pang mga pangangailangan ng mga less fortunate at sa iba rin nating mga frontliners.



Nurture the gift of positivity and kindness


Siguro, kapansin pansin sa ating mga Pilipino ngayon ay nawawala na ang masayang awra o disposisyon sa buhay. Hindi naman din natin ito masisisi dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari katulad na lamang nang sakit na ito. Kung tayo ay susunod lamang at bibigyan nang importansya ang sinasabi ng ating mga nakakataas, mga doktor at higit sa lahat, tulong na maging positibo sa buhay, ay maaari natin malabanan nang sama-sama itong kinahaharap nating pagsubok. Huwag na tayo maging nega sa gobyerno bagkus, ipag-dasal natin ang kanilang mga ginagawang hakbangin upang mai-lead nila tayo nang maayos at hindi padalos dalos.



Learn to obey rules 


Sa ganitong gesture ay malaking ambag na din tayo sa ating bansa. Lalo na ngayon ay ang lahat na napatawan ng “Community Enhanced Quanrantine” sa ating bansa. Hindi naman masama na sumunod na lamang tayo at bigyang importansya ang sinasabi nang mga nakakataas na pinuno natin dahil sila rin mismo ay gusto lang ang nararapat at mas nakabubuti satin.



Offer prayer


Ito na marahil ang pinaka magandang maibabahagi mo sa ating mga frontliners, less fortunate at sa mga taong naghihirap pa din sa labas ng ating mga bahay para magkaroon lang ng magandang kita para sa ipapakain pa sa pamilya. Sa ating mga dasal, huwag natin sila kalimutan, bagkus lalo pa natin sila i-cover ng mga prayers para sa kanilang kaligtasan at strength sa pagsubok na ito. Na kung ano man ang pangyayari na kanilang kinakaharap ay mapanatili ang pananalig nang bawat isa sa May Kapal.


Handog namin ang mga ideyas na gusto namin isapuso nating lahat. We want everyone despite of being afraid and scared sa ating sitwasyon maging source pa din tayo ng kabutihan at positivity sa kapwa.




Posted by:


Corinthia Ogarte, Celebrity Brand Associate

MJ Fernandez, Sales and Content Writer Associate

[April 20, 2020]

23 views0 comments

Comments


bottom of page